Pages

Search This Blog

Monday, April 22, 2013

DALAWANG DAPAT HINDI IBOTO?


Deretsahan


ni Horacio Paredes

            Sa naging mga desisyon ng Korte Suprema tungkol sa halalan na kinabubwisitan ni Chairman Sixto Brillantes ng Comelec, hindi ako sumasang-ayon sa kanilang hatol sa party-list — na hindi na kinakailangan pang merong kabulohan ang tinatayong  partido sa party-list — ngunit, sa pananaw ko naman ay  tama ang hatol na pabayaang gumastos ang mga kanidato ng kahit na magkano sa political advertising.
            Kaya nagiging tila ika nga’y walang saysay ang pagpili natin sa mga kandidato na tinuturing ng marami na tila-beauty contest lamang at hindi ang pagpili ng mga nararapt na makakapaglingkod bilang mga tinatawag natin na “public servant” ay baka na rin dahil sa hinahadlangan ng Comelec mismo ang “free flow of information.”
            Halimbawa, maliwanag na ang kasalukuyang nanunungkulan sa pwesto ay nakakalamang sa isang nagisimula pa lamang sa pulitika. Papaano siya hahabol kung pigil ang maari niyang gatusin sa publicity?
            Dahil dito ang mga sumikat sa pagiging aktor. atleta, beauty contest at iba pang wala namang kaugnayan sa trabaho ng public servant ay mas madaling nakakapasok at magtagumpay sa pulitika. Iyan rin ang isang sanhi kung baket umuunlad ang mga political dynasty. Kapag hinahadlangan ng Comelce ang “free flow of information” lalong uunlad ang mga pampulitikang dinastiya sa dahilang kilala na ang kanilang pangalan.
            Halimbawa, merong dalawang kanidata na umaasa lamang sa kasikatan ng kanilang mga ama at, sa katunayan lamang, ay wala namang napapakitang kahit na kaunti man lamang na kakayahan, kagalingan o pagnanais ng makapaglingkod sa bayan.
            Ang isa — si Nancy Binay ay walang nilalbas sa kaniyang mga sticker at tarpolin kundi lamang ang kaniyang apelyido “BINAY.” Wala pa nga pati ang kaniyang pangalan. Kaya, parang niloloko tayo na baka isipin natin na si Jojo na ating bise presidente ang tumatakbo at hindi ang kaniyang panganay na anak na walang kahit na kaunting napakitang kakayanan, kagalingan at kahit na pagnanasa man lamang na maging lingkod sa bayan.
            Ang pangalawa ay si Grace Poe Llamanzares na sa kaniyang mga polyeta’y parang ang yumaong FPJ ang kandidato imbes na ang anak ng kapatid ng kaniyang misis na hindi naman nakilalang ampon ng yumaong pinaninwalang nadaya ni Gloria Arroyo noong halalan nang 2004.
            Ako’y hindi tutol sa political dynasty ng mga kandiatong nararapat namang gawaing senador gaya nina Ramon Magsaysay, Jr. na nagpakita na ng kaniyang galing noong kaniyang unang termino, Sonny Angara, Jack Enrile, JV Ejercito at Cynthia Villar na galing na sa kongreso, Aquilino Pimentel III at Alan Peter Cayetano na nagpakita na ng kanilang galing kakayanan bilang mga Senador kahit na sila’y matuturing na mga miyembro ng mga political dynasty.
            Wala namang masama sa isang dynasty kung maaayos ang mga miyembro ng dinastiya. Ang mas masama ay ang pinatatakbo ng mga kamaganakan ang mga wala namang gagawain sa Senado kundi tumanggap lamang ng bilyones na dapat pumupunta sa mga proyekto ngunit mabulbulsa lamang at lalong magpapayaman sa kanilang mga dinastiya.
            Ingat po sa ating pagboto; piliing mabuti ang mga nararapat at makapagbibigay ng tamang servisyo sa ating bayan. Ipakita natin sa mundo na hindi madaling linlangin ang Botanteng Pilipino!

ang lahat ay dapat maging malaya!

No comments:

Post a Comment