'via Blog this'Masaya, nakatataba ng puso, at ikinararangal ko ang pag-endorso sa aking kandidatura ni Senator Miriam Defensor-Santiago.
Si Senator Miriam pa rin ang darling of the youth… ang sinisinta ng kabataan… Nagsimula ito sa mga taon ng pagtuturo niya sa UP College of Law, sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Bureau of Immigration, hanggang noong pag-alabin niya ang puso at isip ng kabataang Pinoy nang kumandidato siya para sa public office noong 1992…
‘Di lang ito dahil sa kanyang angking talino at matalas na sensibilidad kundi dahil sa kanyang ipinamamalas na katapangang moral o moral courage…
Laging ice cream na espesyal o mainit na sabaw ng mami ang endorso ng isang Senator Miriam, ‘di naman kasi siya ordinaryong senador ng republika, ‘di po ba? Sa political history ng ating bansa, mabibilang sa daliri ang mga taong maraming importanteng papel na ginagampan sa lipunan… Isa siya sa mga personalidad na ito… ‘Di lang siya tanyag na abogado at mahusay na babaeng miyembro ng Senado, tagapagtanggol din siya ng ating mga karapatan… ang kampeon ng susunod na henerasyon…
Iyong iba ay makapangyarihan lang pero hindi impluwensiyal. Walang asim. ‘Di pasok… Walang hatak…
Si Senator Miriam hanggang ngayon ay nanatiling powerful at influential… Magigiba lang ang sinumang babangga sa kanya…
Sa kanyang pag-endorso sa aking kandidatura at sa basbas ng ating Panginoon at matalinong pagpapasya ng mamamayan sa a-Trese ng Mayo, umaasa po ako na makakatrabaho para sa pagsisilbi sa bansa at mga Filipino ang isang Senator Miriam Defensor-Santiago.
Excited na po ako. Sana kayo rin!
Thank you.
No comments:
Post a Comment